Ang Rally
Alas-singko 'ymedya, pataas na ang araw. Nagmamadali. Dampot duon, dampot dito nang mga gamit na nakalatag sa mesa. Busy din ang dalawang cellphone, puros text, matapos ang palitan ng tawag ay text ulit.
Alas-singko 'ymedya, pataas na ang araw. Nagmamadali. Dampot duon, dampot dito nang mga gamit na nakalatag sa mesa. Busy din ang dalawang cellphone, puros text, matapos ang palitan ng tawag ay text ulit.
Naka-ready na rin ang nabsack, may extrang t-shirt, hand towel, cap para proteksyon sa init ng araw at upang proteksyunan na din ang bunbunan laban sa hamog sa gabi. Opps, ang masking tape at pentel pen hindi dapat mawala.
" 'Tol, Ready na ba ang mga sasakyan? Na-coordinate ba sa lahat kung saan ang daan natin?"
"Ok, may naka-post na ba sa assembly point?"
"na-orient na bang maigi yung isang group? Saan daw galing ang mga 'yun?"
Ilang minuto lang ay ipinamamahagi na ang mga flags at banner. Naka-pwesto na rin ang mamamahagi ng manipesto. Ilang hudyat lang ay nagma-martsa na sa kalsada ang mga aktibista.
Hawak ang kanilang bandila, binubuhay at pinasisigla ang damdaming makabansa. "Hukbong Mapagpalaya!"
May mega-phone o wala, basta't marami ay masigla ang damdamin ng lahat. Hindi natitinag sa init ng araw.
"Hindi kami titigil hanggat hindi napaparating sa gobyerno ang tunay na sentimyento ng lipunan." Pangunguna ng isa.
Tila ba alam na alam nya ang kaibuturang daing ng lipunan, wari'y sya ang maylikha ng lipunan, maging ang tamang pamamahala.
Ano ba ang gusto nyong mangyari? May mungkahi ba kayo kung paano natin gagawin 'yun?
"Ibagsak! Ibagsak!"
May rally na naman kayo? Bakit nung nakaraan na nagkaroon tayo ng dialogue at napag-usapan na yung proyekto, eh nagrally pa rin kayo?
"Kailangan kasi namin yun for Media Blitz, para makakuha ng suporta."
"Pag may-rally, may pera" tugon ng mirong kasama sa rally.