Maynila dalhin mo ang bandila na nagpapakilala sa bansang Pilipinas. Ngunit karapat dapat ka nga bang palitan bilang kapital ng bansa?
Kilala ang Lungsod ng Maynila saan mang sulok ng mundo bilang Pilipinas. Yes. Sa labas ng bansa, kapag sinabi mong “Manila” ang sagot ng mga dayuhang kausap ay “oh, Manila, Philippines?” Minsan ay hindi pa nga nila matukoy ang Pilipinas unless sabihin mong taga “Manila” ka.
Ngunit isang magiting na senador ang ngayon ay nagtatanong kung karapat-dapat pa bang tanghalin bilang kapitolyo ng bansa ang lungsod ng Maynila. Si Senador Antonio Trillanes IV ay naghain ng panukala (Senate Bill No. 655) upang siyasatin at sukatin kung kailangang panatilihin pa ang Maynila bilang kapitolyo ng bansa o kaya naman ay dapat na maghirang na ng iba.
Mapanganib na hangin na daw ang ating nalalanghap dahil sa mga nagkalat na eskwater. “Manila City in the National Capital Region (NCR) lacked proper urban planning manifested in its antiquated drainage systems, and traffic gridlocks since 1976 wika ni Trillanes.
Ngunit masisisi mo ba siya? Ano na nga ba ang Maynila ngayon? Naalala ko tuloy nang ako ay bumabyahe pabalik ng Maynila bagtas ang kahabaan ng Coastal Road patungong Roxas Boulevard pababa hanggang Radial 10. Naghahabol akong mailapat ang aking likod sa kama para sa umagang trabaho. 10:25pm, may ilang oras pa para sa pagtulog hanggang 6am. Ngunit nang dahil sa mga van at trucks ay nakarating ako ng moriones ng almost 1:00AM, Hwebes.
Wala na rin lugar na kung saan ay pwede akong mag-bike ng hindi ako masasagi ng mga sasakyang nagka-kanya-kanyang lusutan. Kung gusto mo ng limlim ng puno at makapagpahinga, pumunta ka sa luneta, basta iwas lang sa mga palakpak boys at baka ka maholdap. Pero saan ba walang holdaper?
Ano na nga ba ang pinagkaiba ng Maynila noon sa Maynila ngayon? Mali ba ang pamamalakad ng mga tao sa gobyerno o baka tayo rin ang maysala dahil sa maling pagpili at pagtangi?
Pero ano ba ang batayan upang manatiling kapitolyo ng bansa? Ang alam ko, Maynila ang pangalawa sa pinakamalaking lungsod na bunubuo sa Metro Manila, dito din ang mga pinangyarihan ng mga natatanging istorya na bumuo sa kasaysayn ng Pilipinas; dito itinayo ang mga primyadong gusali ng mga gobyernong sumakop sa bansa, ang unang galleon trade, ang Bagong Bayan na kung saan namatay si Rizal, ang tirahan ng tatlong pari na sina Gomez, Burgoz, at Zamora, at ang gwardya sibil na hanggang ngayon ay makikita mo pa rin na nagbabatay sa lugar ng Intramuros. Sya nga pala, ang isa sa pinakamatandang simbahan ay nasa intramuros din, at ang University of Sto Tomas ay nasa Maynila din.
Ano nga ba ang epekto kapag hindi na tayo ang kapitolyo ng bansa?
Ah basta, ako ay mananatiling para sa Maynila pa rin. "Tapat mo, linis mo" at ang pagtatapon ng basura sa tamang lagayan para maka-ambag sa kalinisan sa Maynila. Ang paggamit pa rin ng "po at opo" at iba pang positibong asal para maka-ambag sa kaayusan o kapayapaan ng paligid. Mahal ko lahi ko, Manilenyo ako!